Ang HPS (Hantavirus Pulmonary Syndrome) ay isang malalang sakit na maaaring madala sa kamatayan kapag hindi naagapan. Ayon sa US CDC, halos 4 sa bawat 10 na kaso ng Hantavirus Pulmonary Syndrome (HPS) ay namamatay dulot ng komplikasyon nito.
Daga ang nagdadala ng sakit na ito sa tao. Kumakalat ito sa ihi, dumi, at laway ng daga na madalas ay nasa maruruming lugar.
Walang kumpirmadong kaso ng HPS sa Pilipinas. Habang mababa ang risk ng pagkalat nito, importanteng panatilihing pa rin ang malinis na kapaligiran at sarili para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.
Basahin ang post para sa karagdagang impormasyon.